ANG TAGPO'Y TAGPOS MAN SA TAKDANG PANAHON
tagaktak ang pawis sa bawat niyang pagpunyagi
tagal man ng kwarantina'y di nagpapaduhagi
tagas sa gripo'y papasakang may pagmamadali
tagasaan man ay laging nagbabakasakali
tagistis ang pawis sa pagsisipag nilang todo
tagilid kasi ang kabuhayang walang trabaho
tagibang habang iniisip ang kasunod nito
tagisan muna tayo sa paglaro ng sudoku
tagunton ang nililikha ng makata ng buhay
tagulaylay ang kinakatha habang nagninilay
taguyod ang panitikang may mga akdang lantay
taguri sa makata'y isang libo't isang panday
tagpong kung di matingkala'y baka di makaahon
tagpos man o sadyang lampas na sa takdang panahon
- gregbituinjr.
"A poet's autobiography is his poetry. Anything else is just a footnote." ~ Yevgeny Yentushenko
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Sa ika-16 na death monthsary ni misis
SA IKA-16 NA DEATH MONTHSARY NI MISIS Lagi kitang nasa alaala, O, aking sinta't tanging asawa! Itinutula ko'y pagmamahal. Tila ba ...
-
mag-iikot at mamumulot muli ng basura upang gawing ekobrik yaong plastik na makuha ito ang ginagawa habang trabaho'y wala pa di pa makal...
-
sa palaisipan ko'y may dedikasyon si misis aba'y kanya palang batid ang libangan kong nais heto't sumasagot, nawala ang buryong ...
-
PAG NAGISING NG DIS-ORAS NG GABI karaniwan, napapaaga ng tulog sa gabi ikapito o ikawalo'y pipikit na dine upang gumising lamang sa gana...

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento