Huwebes, Marso 5, 2026

Walâ mang magbasa ng aking mga akdâ

WALÂ MANG MAGBASA NG AKING MGA AKDÂ

walâ mang magbasa nitong aking mga akdâ
walâ mang makinig sa pagbigkas ko ng tulâ
eh, ano? magpapatuloy ako sa paglikhâ
kwento, sanaysay, tulâ, ganyan ang mangangathâ

tulâ ng tulâ ng tulâ ng tulâ ng tulâ
akdâ ng akdâ ng akdâ ng akdâ ng akdâ
kathâ ng kathâ ng kathâ ng kathâ ng kathâ
likhâ ng likhâ ng likhâ ng likhâ ng likhâ

bebentahan ko kayo ng aklat ko ng tulâ
upang may pambili ng kilong bigas at isdâ
sana'y bili kayo ng aklat kong kathang diwà
na pag nabasa n'yo'y tiyak kayo'y matutuwâ

abang makatâ sa panahon ng dusa't luhà
kasamang bumabaka sa panahon ng digmâ
tumutulong sa masa sa panahon ng sigwâ
tuligsa'y mga kurakot na sanhi ng bahâ

- gregoriovbituinjr.
03.05.2026

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Walâ mang magbasa ng aking mga akdâ

WALÂ MANG MAGBASA NG AKING MGA AKDÂ walâ mang magbasa nitong aking mga akdâ walâ mang makinig sa pagbigkas ko ng tulâ eh, ano? magpapatuloy ...