Miyerkules, Marso 18, 2026

Pangdalawampu't siyam na sa mundo si Alex Eala

PANGDALAWAMPU'T SIYAM NA SA MUNDO SI ALEX EALA
‎taasnoong pagpupugay sa iyo
at abotkamay na ang pangarap mo
‎unti-unti, huwag agad itodo
‎ikaw ri'y magiging numero uno
‎karangalan ay iyong hinahakot
‎sa larangan ng tennis ay naabot
‎ang tagumpay, di gaya ng kurakot
‎sa bansâ, trapong walanghiya't buktot
‎sa bawat laban, tila iyong pasan
‎sa balikat ang ating buong bayan
‎nakaukit na ang iyong pangalan
‎sa aklat nitong ating kasaysayan
O, Alex, kayhusay mo at kaytalas
‎pangdalawampu't siyam na ang antas
‎sa pandaigdigang tennis, kaylakas
‎ng palo at karismang pinamalas
‎- gregoriovbituinjr.
‎03.18.2026
‎* ulat mulâ sa pahayagang Bulgar at Remate, Marso 17, 2026

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Hindi mananahimik ang tahimik na makatâ

HINDI MANANAHIMIK ANG TAHIMIK NA MAKATÂ tahimik lang ang makatang nakapangalumbabâ malalim ang nilay sa pasamano ng bintanà tila may suliran...