Sabado, Disyembre 13, 2025

Alahoy!

ALAHOY!

parang wala nang kabuhay-buhay
yaring buhay kapag naninilay
para bang nabubuhay na bangkay
na hininga'y hinugot sa hukay

may saysay pa ngâ ba yaring búhay
kung sa tula't rali nabubuhay
mabuti yata'y magpakamatay
nang sinta'y makapiling kong tunay

tula na lang ang silbi ko't tulay
tula'y tulay sa di mapalagay
sa mundô ba'y ano pa ang saysay
kung nabubuhay lagi sa lumbay

wala bang magpapayo? Alahoy!
wala bang kaibigan? Alahoy!
wala na ba ang lahat? Alahoy!
ako nga ba'y patay na? Alahoy!

- gregoriovbituinjr.
12.13.2025

* Alahoy! - mula sa Diksiyonaryong Adarna, p.21

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Alahoy!

ALAHOY! parang wala nang kabuhay-buhay yaring buhay kapag naninilay para bang nabubuhay na bangkay na hininga'y hinugot sa hukay may say...