Biyernes, Oktubre 31, 2025

Pag-alala

PAG-ALALA

inaalala kita
O, aking sinisinta
sa puso'y lalagi ka
saan pa man pumunta

pag puso ko'y pumintig
batid kong nakatitig
ka sa akin, pag-ibig
nati'y di malulupig

pagsinta'y laging bitbit
na sa puso'y naukit
ngalan mong anong rikit
ang sinasambit-sambit

sa mga tulang tulay
ko sa iyo't inalay
sa kabila ng lumbay
lagi kang naninilay

- gregoriovbituinjr.
10.31.2025

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Sa 4th Black Friday Protest ng 2026

SA 4TH BLACK FRIDAY PROTEST NG 2026 nagpapatuloy ang Black Friday Protest sapagkat ayaw natin ng Just-Tiis laban sa korap at mapagmalabis da...