LITKURAN - SALIN KO SA BACKGROUND
hinanap ko na sa diksyunaryo
salin ng BACKGROUND sa Filipino
may likuran, karanasan, pondo
anong etimolohiya nito?
sa Ingles, back at ground, pinagsama
ito yaong compound word talaga
eksaktong salin nito'y wala pa
ngunit ito'y kailangan ko na
kaya akin nang napag-isipan
salitang "litrato sa likuran"
compound word, pagsamahin din naman
kaya nabuo ko ang LITKURAN
sa disenyo'y kakailanganin
sa tulang nalikha't lilikhain
sana, salitang ito'y tanggapin
ng bayan at ito na'y gamitin
- gregoriovbituinjr.
09.16.2025
* ang litkuran ay kuha sa MOA
"A poet's autobiography is his poetry. Anything else is just a footnote." ~ Yevgeny Yentushenko
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Pag naalimpungatan sa madaling araw
PAG NAALIMPUNGATAN SA MADALING ARAW matutulog akong may katabing pluma't kwaderno na pag pikit na'y may mga paksang dumedelubyo sa d...

-
ANG LIBRO thirty five pesos lang ang libro sa BookSale ko nabili ito bakasakali lang matuto sa taong binabanggit dito pamagat ng libro...
-
Pagdaluhong sa karapatan Maikling kwento ni Gregorio V. Bituin Jr. Hulyo 1, 2020 "Alam nyo, naulit na naman pala ang nangy...
-
“Injustice anywhere is a threat to justice everywhere. We are caught in an inescapable network of mutuality, tied in a single garment of de...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento