Miyerkules, Agosto 27, 2025

Soneto sa PANTHER

SONETO SA PANTHER

Participation - lumalahok ang bawat kasapian
Accountability - bawat isa'y may pananagutan
Non-discrimination - walang sinuman ang naiiwan
Transparency - walang tinatago sa masa't samahan
Human dignity - paggalang sa dignidad ng sinuman
Empowerment - pagsakapangyarihan ng mamamayan 
Rule of law - iginagalang ang mga batas ng bayan

Pagpaplano ng samahan upang kamtin ang layunin
Ay ginagawa ng seryoso't pananagutan natin
Nangangarap ng makataong lipunang dapat kamtin
Tagumpay ng samahan ay lagi nating iisipin
Habang hindi pinababayaan ang pamilya natin
Edukasyon ng bawat kasapi ay ating planuhin
Respeto sa batas at sa bawat isa'y ating gawin

- gregoriovbituinjr.
08.27.2025

* ang soneto ay tulang may sukat at tugma, at binubuo ng 14 pantig bawat taludtod
* ang PANTHER ay isa sa mga prinsipyo ng karapatang pantao

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Soneto sa PANTHER

SONETO SA PANTHER Participation  - lumalahok ang bawat kasapian Accountability  - bawat isa'y may pananagutan Non-discrimination  - wala...