BAGYONG ISANG HATAW
kung walang kuwit o comma
mababahala ang masa
sa bumungad na balità
pukaw atensyon sa madlâ
ulat: Bagyong Isang, Hataw
hindi Bagyong Isang Hataw
pangalan ng bagyo'y Isang
hahataw sa kalunsuran
ang Bagyong Isang Hataw ba
ang Big One pag nanalasa
marami ang masasaktan
kaya mag-ingat, kabayan
aba'y Bagyong Isang Hataw
tila mundo'y magugunaw
buti't balita'y may kuwit
bagyong si Isang, hihirit
kaya ating paghandaan
ang pagbaha sa lansangan
lalo't pondo ng flood control
sa kurakot na'y bumukol
- gregoriovbituinjr.
08.24.2025
* ulat mula sa pahayagang Bulgar, Agosto 23, 2025, p.2
"A poet's autobiography is his poetry. Anything else is just a footnote." ~ Yevgeny Yentushenko
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Dispalinghadong flood control, gumuhò
DISPALINGHADONG FLOOD CONTROL, GUMUHÒ may dispalinghadong flood control ang nabisto na halaga'y walumpu't pitong milyong piso nasaya...
-
ANG LIBRO thirty five pesos lang ang libro sa BookSale ko nabili ito bakasakali lang matuto sa taong binabanggit dito pamagat ng libro...
-
“Injustice anywhere is a threat to justice everywhere. We are caught in an inescapable network of mutuality, tied in a single garment of de...
-
SA PAG-UWI nagkatuwaan kami sa traysikel na nasakyan dahil sa loob ay saglit kaming naglitratuhan ikasampu na ng gabi nang umuwing tahanan k...

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento