LAGASLAS NG ILOG
kaysarap pakinggan ng lagaslas
ng tubig sa dinaanang ilog
sa kalikasang aming nilandas
na laksa ang tutubi't bubuyog
bahagi pa rin iyon ng ritwal
ng mga katutubo sa patay
na paaagusin ang anuman
upang bumuti ang ating buhay
lagaslas ay pinagnilayan ko
pinakinggan ang bawat pag-usad
ng tubig sa batuhang narito
na buti ng kapwa yaong hangad
lagaslas ay tiyak di hihinto
katiwasayan ang mahahango
- gregoriovbituinjr.
06.25.2025
* mapapanood ang bidyo sa kawing na: https://www.facebook.com/share/v/16u18xRD6W/
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento