Martes, Marso 18, 2025

Ang librong di ko nabili

ANG LIBRONG DI KO NABILI

may libro rin akong di nabili
doon sa Philippine Book Festival
subalit ako'y interesante
sa environmentalist na Rizal

anong mahal ng nasabing aklat
halaga'y eight hundred fifty pesos
ngunit nais ko iyong mabuklat
dagdag sa buhay niya'y matalos

baka mayroong bagong saliksik
na makakatulong sa kampanya
upang luntiang binhi'y ihasik
at pangalagaan ang planeta

wala raw sa ibang bookstore iyon
sa St. Bernadette Publishing House lang
na siyang tagalathala niyon
librong dapat ko lang pag-ipunan

nagkulang kasi ang aking badyet
upang bilhin ang nasabing libro
aral sa librong iyon ay target
nang makatulong pa sa bayan ko

- gregoriovbituinjr.
03.18.2025

* naganap ang Philippine Book Festival noong Marso 13-16, 2025 sa SM Megamall

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Antok na rin ako tulad ni alaga

ANTOK NA RIN AKO TULAD NI ALAGA antok na rin ako / tulad ni alaga gabi na't pikit na / itong iwing diwa naghihikab kaya / sa katre'y...