TAMPIPÌ
sa krosword ko lang muling nakita
ang salitang kaytagal nawalâ
sa aking isip ngunit kayganda
upang maisama sa pagtulâ
labimpito pahalang: bagahe
at naging sagot ko ay: TAMPIPÌ
kaylalim na Tagalog kung tingni
na kaysarap bigkasin ng labì
sa Batangas ko unang narinig
sa lalawigan ng aking tatay
tampipì ang lagayan ng damit
maleta o bagahe ngang tunay
nababalikan ang nakaraan
sa nawalang salitang ganito
ay, salamat sa palaisipan
muling napapaalala ito
- gregoriovbituinjr.
01.18.2024
* krosword mula pahayagang Pilipino Star Ngayon, Enero 16, 2024, p.10
"A poet's autobiography is his poetry. Anything else is just a footnote." ~ Yevgeny Yentushenko
Sabado, Enero 18, 2025
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Sa ikapitong anibersaryo ng Akamid
SA IKAPITONG ANIBERSARYO NG AKAMID Akamid - ikalawang kasal natin, mahal na seremonyas ng katutubong I-Lias una'y civil wedding natin n...

-
Pagdaluhong sa karapatan Maikling kwento ni Gregorio V. Bituin Jr. Hulyo 1, 2020 "Alam nyo, naulit na naman pala ang nangy...
-
LIMANG ULAT NG NAGPATIWAKAL SA LOOB NG 18 ARAW Maikling sanaysay at tula ni Gregorio V. Bituin Jr. Sa pahayagang Bulgar na madalas kong bini...
-
WIKANG FILIPINO: WIKANG MAPAGPALAYA kayganda ng tema ngayong Buwan ng Wika Wikang Filipino: Wikang Mapagpalaya wikang gamit ng maralita'...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento