Linggo, Disyembre 22, 2024

Kaysarap ng tulog ni alaga

KAYSARAP NG TULOG NI ALAGA

nakita niya ang munting kahon
at iyon ang kanyang tinulugan
marahil nga'y napagod maghapon
hinigaa'y pinagpahingahan

simpleng buhay lamang si alaga
na sa bahay na naninirahan
simpleng buhay din akong makata
na abala lagi sa tugmaan

madalas, matapos kong kumain
ngingiyaw siya't mangangalabit
bibigyan siya ng makakain
pag busog na'y di na humihirit

kay alaga, maraming salamat
mga daga'y nagpulasang lahat

- gregoriovbituinjr.
12.22.2024

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Mag-ingat sa 50℃ na init sa Abril

MAG-INGAT SA 50℃ NA INIT SA ABRIL mag-ingat tayo, O, kababayan sa Abril, kaytindi raw ng init abot limampung degri ba naman kahit klima na...