Sabado, Disyembre 7, 2024

Almusal

ALMUSAL

payak ang aming almusal
dito pa rin sa ospital
isang pares ng pandesal
at omelet, lutong lokal

warfarin diet si misis
gumanda kaya ang kutis
katawan kaya'y humugis
o katulad ko'y numipis

ako'y magkakape muna
habang kasama ang sinta
sana siya'y gumaling na
sa sakit na nanalasa

dito'y higit isang buwan
kayraming natutuklasan
nalalagay sa tugmaan
mula sa puso't isipan

- gregoriovbituinjr.
12.07.2024

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

‎DALIT laban sa pesticide gas

DALIT laban sa pesticide gas ‎ ‎Gaano kasiraulo ‎ang mga gumawâ nito? ‎Yaong pabor sa negosyo ‎pinesticide gas ang tao! ‎ ‎Sa World War I ay...