Miyerkules, Setyembre 18, 2024

Ngiyaw

NGIYAW


ngiyaw ng ngiyaw si alaga

musikang ikinatutuwa

sa aki'y humihingi kaya?

pagkat gutom na't walang daga?


kay-ingay niya buong gabi

ako naman ay nawiwili

ngunit siya'y may sinasabi

ano kayang kanyang mensahe?


mamaya kaya ay uulan?

parang ipis na naglabasan?

o baka iyon ang paraan?

nang siya'y pansinin ko naman?


ngiyaw ay paglalambing niya

upang alagaan ko siya

sige, ngumiyaw ka lang muna

pagkain mo'y ihahanda na


- gregoriovbituinjr.

09.18.2024


* mapapoanood ang bidyo sa kawing na: https://fb.watch/uHKb6XVUZp/ 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Biktima'y dalawang bata

BIKTIMA'Y DALAWANG BATA sa magkaibang balita biktima'y dalawang bata imbes na kinakalinga ay ginawan ng masama edad dalawa, pinaslan...