Huwebes, Agosto 29, 2024

Panimdim

PANIMDIM

mabuhangin man ang lupa
mga putik ay sariwa
sinta, ikaw pa ring sadya
ang iibigin kong lubha

langit man ay makulimlim
bulaklak mo'y masisimsim
pagkagat ng takipsilim
ikaw ang nasa't panimdim

mamahalin kitang tapat
kahit tamaan ng kidlat
lalo't kaisa kang mulat
sa mundo kong parisukat

kahit malalim ang ilog
sisisirin kita, irog
di hahayaang lumubog
sarili ko'y ihahandog

- gregoriovbituinjr.
08.29.2024

* larawan mula sa google

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Munting aklat ng salin

MUNTING AKLAT NG SALIN di pa ako umaabot na magpalimos kaya nagbebenta ng munting gawang aklat pultaym na tibak ay pulos diskarteng lubos da...