PAG-INGATAN ANG SUNOG
minsan, nag-aapoy ang pandama
na para bagang nilalagnat ka
o kaya'y libog na libog ka na
init na init ka na talaga
huwag kang maglalaro ng apoy
bilin ni nanay nang ako'y totoy
lalo't kandila'y nangunguluntoy
tubig ay ihanda mong isaboy
karaniwan ang sunog sa atin
ulat nga'y di ka na gugulatin
balita sa dyaryo kung basahin
ay sadyang masakit sa damdamin
sa paligid mo'y maging matunog
alisto nang puso'y di madurog
huwag mong kayaang magkasunog
kundi baka araw mo'y lumubog
- gregoriovbituinjr.
03.29.2024
* litrato mula sa app game na Word Connect
"A poet's autobiography is his poetry. Anything else is just a footnote." ~ Yevgeny Yentushenko
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
No right turn, di agad makita
NO RIGHT TURN, DI AGAD MAKITA natatakpan ng haligi ang karatula "no right turn on red signal" , di agad makita buti kung ang drayb...
-
LIMANG ULAT NG NAGPATIWAKAL SA LOOB NG 18 ARAW Maikling sanaysay at tula ni Gregorio V. Bituin Jr. Sa pahayagang Bulgar na madalas kong bini...
-
WIKANG FILIPINO: WIKANG MAPAGPALAYA kayganda ng tema ngayong Buwan ng Wika Wikang Filipino: Wikang Mapagpalaya wikang gamit ng maralita'...
-
Pagdaluhong sa karapatan Maikling kwento ni Gregorio V. Bituin Jr. Hulyo 1, 2020 "Alam nyo, naulit na naman pala ang nangy...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento