Huwebes, Marso 7, 2024

Headline: Patay

HEADLINE: PATAY

pulos patay ang mga headline sa dyaryo
dalawang tinedyer, tinortyur, pinatay
mag-asawang senior, namatay sa sunog
dump truck bumaliktad, tatlo ang nautas
sa Japan, mayroon daw iniwang bangkay

wala na yatang balitang maganda
na nahe-headline naman sa tuwina
maliban pag nananalo si Pacquiao
sa kanyang laban ay headline talaga
subalit ngayon, iyon ay wala na

pulos patay ang nasa pahayagan
tila iyon ang kinakailangan
o marahil ay natataon lamang
na mahalagang iulat sa bayan

- gregoriovbituinjr.
03.07.2024

* litrato mula sa pahayagang Pang-Masa, Marso 7, 2024

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Idlip

IDLIP kaytagal natulog / ng aking isipan sabay lang sa agos / na parang alamang tila di mabatid / ang kahihinatnan buti't iwing dangal /...