Linggo, Setyembre 3, 2023

Motawa at Lasuna

MOTAWA AT LASUNA

sa palaisipan ay muling natulala
dahil di ko alam ang sagot na salita
subalit mahalaga namang isadiwa
pulis sa Saudi ang Labimpito Pababa

sibuyas ng Ilocos sa Trese Pahalang
buti't may diksyunaryo naman sa tahanan
salita pala'y LASUNA nang matagpuan
nang aking masaliksik, puso ko'y nagdiwang

ang sagot ko'y MOTAWA sa pulis-Arabo
mula naman kay google ay natagpuan ko
baka batid din ng mga O.F.W.
na sa Saudi ay matagal na nagtrabaho

mga salitang minsan dapat kabisahin
at baka magamit sa akdang kakathain
sa palaisipang ito'y salamat na rin
di alam na salita'y nababatid natin

- gregorioovbituinjr.
09.03.2023

mutawa (alternative forms - mutawwa, muttawa)
A member of the religious police in Saudi Arabia. The religious police as a body.
https://en.wiktionary.org/wiki/mutawa

lasona - sibuyas, mula sa U.P. Diksiyonaryong Filipino, p.681

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Sa 4th Black Friday Protest ng 2026

SA 4TH BLACK FRIDAY PROTEST NG 2026 nagpapatuloy ang Black Friday Protest sapagkat ayaw natin ng Just-Tiis laban sa korap at mapagmalabis da...