Sabado, Marso 4, 2023

Kay-agang lumitaw ng buwan

KAY-AGANG LUMITAW NG BUWAN

maaga pa lamang ay lumitaw na yaong buwan
tila nagsasabing ngayon ay di muna uulan
ikalima't kalahati ng hapon nang makunan
nitong selpon habang iba ang pinagninilayan

wala pang natanaw na bituin sa himpapawid
lalo na't maliwanag pa itong buong paligid
ang aking diwata kaya'y anong mensaheng hatid
habang naritong nakapiit pa sa aking silid

- gregoriovbituinjr.
03.04.2023

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

12-anyos, patay sa paputok

12-ANYOS, PATAY SA PAPUTOK akala ba ng batang ang pinulot na paputok ang maging sanhi ng maaga niyang pagkamatay isang produktong pampasaya ...