SA LUNETA
tarang mamasyal sa Luneta
kahit na tayo'y walang pera
ang wika nga sa isang kanta
pambansang liwasan talaga
halina sa isang upuan
sa Rizal Park, dating tambayan
upang kita'y magkumustahan
kumain at magkakwentuhan
lalo't paligid ay kayhangin
habang may saliw na awitin
kayraming namamasyal man din
na Bagumbayan din sa atin
tara, doon tayo'y mamasyal
kung saan binitay si Rizal
upang pagkahapo'y matanggal
at damhin yaring pagmamahal
- gregoriovbituinjr.
01.06.2023
* litratong kuha ng makatang gala sa Luneta, Araw ni Rizal, 12.30.2022
"A poet's autobiography is his poetry. Anything else is just a footnote." ~ Yevgeny Yentushenko
Biyernes, Enero 6, 2023
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Palasimba raw
PALASIMBA RAW nangyayari sa totoong buhay ang sa komiks ay kanyang palagay palasimba'y palamurang tunay kaplastikan nga ba yaong taglay?...

-
Pagdaluhong sa karapatan Maikling kwento ni Gregorio V. Bituin Jr. Hulyo 1, 2020 "Alam nyo, naulit na naman pala ang nangy...
-
ANG LIBRO thirty five pesos lang ang libro sa BookSale ko nabili ito bakasakali lang matuto sa taong binabanggit dito pamagat ng libro...
-
SI ESPIRIDIONA BONIFACIO Maikling sanaysay at saliksik ni Gregorio V. Bituin Jr. Sino nga ba si Espiridiona Bonifacio, o Nonay? At an...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento