SA RIZAL PARK
nagtungo kanina sa Luneta
upang maging saksi, nakiisa
sa paggunita o pag-alala
kay Rizal, bayani't nobelista
doon binitay sa Bagumbayan
na Rizal Park na ngayon ang ngalan;
may dumating ding talaga namang
isinagawa'y palatuntunan
sa diwa tumagos ang mensahe
ng nagwika tungkol sa bayani;
naglitratuhan, pa-selfie-selfie
bilang patunay, ako'y narine
talagang inagahan ang gising
nang sa diwa historya'y tumining
nang magbangon sa pagkagupiling
ang mga anak na nahihimbing
- gregoriovbituinjr.
12.30.2022 (sa ika-126 anibersaryo ng pagbitay kay Gat Jose Rizal)
"A poet's autobiography is his poetry. Anything else is just a footnote." ~ Yevgeny Yentushenko
Biyernes, Disyembre 30, 2022
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Matapos ang ikalawang operasyon
MATAPOS ANG IKALAWANG OPERASYON nakita ko si misis sa operating room bago lumabas upang madala sa kwarto matapos gawin ang dalawang operasy...
-
Pagdaluhong sa karapatan Maikling kwento ni Gregorio V. Bituin Jr. Hulyo 1, 2020 "Alam nyo, naulit na naman pala ang nangy...
-
LIMANG ULAT NG NAGPATIWAKAL SA LOOB NG 18 ARAW Maikling sanaysay at tula ni Gregorio V. Bituin Jr. Sa pahayagang Bulgar na madalas kong bini...
-
WIKANG FILIPINO: WIKANG MAPAGPALAYA kayganda ng tema ngayong Buwan ng Wika Wikang Filipino: Wikang Mapagpalaya wikang gamit ng maralita'...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento