Sabado, Nobyembre 12, 2022

Bike lane

BIKE LANE

sabi nila, maganda para sa planeta,
mamamayan at kita ang magbisikleta
lalo na't papatindi ang init ng klima

landas daw iyon sa mabuting kalusugan
walang ambag na usok sa kapaligiran
walang polusyon sa hangin at kalikasan

ating pansinin, ang bike lane kung makikita
nasa bangketa o kaya'y tabing bangketa
malinaw, di pangmotor kundi pangsiklista

may sariling daanan, di pasingit-singit
upang nagbibisikleta'y di makalawit
ng apat na gulong na takbo'y malulupit

maraming salamat sa itinayong bike lane
kaligtasan ng siklista'y nabigyang pansin
at ngayon, bike ay pag-iipunan ko na rin

- gregoriovbituinjr.
11.12.2022

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Sa 4th Black Friday Protest ng 2026

SA 4TH BLACK FRIDAY PROTEST NG 2026 nagpapatuloy ang Black Friday Protest sapagkat ayaw natin ng Just-Tiis laban sa korap at mapagmalabis da...