Sabado, Setyembre 17, 2022

Talukab at talukap

TALUKAB AT TALUKAP

ang talukab pala'y shell o kaha
ng alimango o kaya'y tahong
ang talukap ay takip ng mata
o eyelid, odom o tabon-tabon

dalawang salitang magkatugma
na kapwa katinig na malakas
pakinggan mo lamang ang salita
upang kahulugan ay mawatas

- gregoriovbituinjr.
09.17.2022

* mula sa UP Diksiyonaryong Filipino, pahina 1217

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Sa pambansang araw ng mga bayani

SA PAMBANSANG ARAW NG MGA BAYANI di lang sina Jacinto, Andres, Luna't Rizal ang mga bayaning dapat nating itanghal sa kasalukuyan, maram...