Huwebes, Enero 27, 2022

Pagkatha

PAGKATHA

wala mang magbasa o makinig
sa kinatha kong kaibig-ibig
ang katawan ko'y di manginginig
kahit nasa landas ng ligalig

ganyan ko ituring ang pagkatha
mailabas lang ang nasa diwa
di ko damang nababalewala
kahit naritong nakatulala

wala mang makinig o magbasa
sa mga tula kong walang lasa
buod ay mananamnam din nila
malalasahan din pag binasa

tinta man sa papel ay kumalat
mukhang balewala man ang lahat
masaya na akong makasulat
habang pinaghihilom ang sugat

- gregoriovbituinjr.
01.27.2022

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Batang babae, pinatay ng 13-anyos

BATANG BABAE, PINATAY NG 13-ANYOS hubo't hubad ang batang babae nang makita sa bakanteng lote siya pala'y napatay sa sakal ng trese ...