BILIN SA SARILI
huwag kang mag-isip ng tula habang nagsasaing
tingnan ang ginagawa hanggang sa ito'y mainin
mahirap nang dahil dito'y masunugan ng kanin
ah, di masarap ang sunog, iyong pakaisipin
huwag humarap sa webinar habang nagluluto
huwag tumutok sa kompyuter habang kumukulo
ang nilaga't baka sa pagmamadali'y mapaso
pagluluto'y tapusin munang may buong pagsuyo
habang ginagawa ang tulang ito'y tigil muna
tapos na ba ang niluluto mo't nawiwili ka
oo nga pala, baka sinasaing ko'y sunog na
teka lang, sandali, at salamat sa paalala
bilin iyan sa sarili upang di masunugan
ng niluto't sumarap naman ang pananghalian
- gregoriovbituinjr.
08.06.2021
"A poet's autobiography is his poetry. Anything else is just a footnote." ~ Yevgeny Yentushenko
Biyernes, Agosto 6, 2021
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Sa kabila ng lahat
SA KABILA NG LAHAT sa kabila ng lahat, patuloy pa ring kikilos upang sa trapo't sistemang bulok makipagtuos sa kabila ng lahat, patuloy ...

-
Pagdaluhong sa karapatan Maikling kwento ni Gregorio V. Bituin Jr. Hulyo 1, 2020 "Alam nyo, naulit na naman pala ang nangy...
-
ANG LIBRO thirty five pesos lang ang libro sa BookSale ko nabili ito bakasakali lang matuto sa taong binabanggit dito pamagat ng libro...
-
SI ESPIRIDIONA BONIFACIO Maikling sanaysay at saliksik ni Gregorio V. Bituin Jr. Sino nga ba si Espiridiona Bonifacio, o Nonay? At an...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento