nais kong makatulong sa mga organisasyon
upang makapagpatuloy sa mga nilalayon
kung runner, errand, o utusan ang trabahong iyon
tatanggapin ko na basta magkatrabaho ngayon
sa human rights organization ay pupwede ako
sa IDefend Movement ba'y anong maitutulong ko?
sa PhilRights, PAHRA, Balay, sana'y may opening dito
para sa pagtatanggol sa karapatang pantao
nakatapos ako ng labor paralegal noon
sa Caritas, Manila, Ministry of Labor iyon
dapat kong ipraktis, huwag munang magsolo ngayon
kailangan ko pa ng gabay sa trabahong iyon
sa grupong makakalikasan, ako'y pupwede rin
sa Ecowaste Coalition kaya ako'y tanggapin?
sa No Burn Pilipinas ay baka makatulong din
sa Greenpeace, Green Convergence kaya'y baka may opening
sekretaryo heneral man ng K.P.M.L ngayon
sa X.D. Initiative ay gayon din ang posisyon
dapat ding may kita't may pambili ng malalamon
dapat may salaping panggugol, maliit man iyon
sana'y may makatulong pa rin sa tulad kong tibak
malaking pasalamat ang iuukol kong tiyak
tutula't kakatha pa rin para sa dukha't hamak
at bulok na sistema'y atin pa ring ibabagsak
- gregbituinjr.
"A poet's autobiography is his poetry. Anything else is just a footnote." ~ Yevgeny Yentushenko
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
No right turn, di agad makita
NO RIGHT TURN, DI AGAD MAKITA natatakpan ng haligi ang karatula "no right turn on red signal" , di agad makita buti kung ang drayb...
-
LIMANG ULAT NG NAGPATIWAKAL SA LOOB NG 18 ARAW Maikling sanaysay at tula ni Gregorio V. Bituin Jr. Sa pahayagang Bulgar na madalas kong bini...
-
WIKANG FILIPINO: WIKANG MAPAGPALAYA kayganda ng tema ngayong Buwan ng Wika Wikang Filipino: Wikang Mapagpalaya wikang gamit ng maralita'...
-
Pagdaluhong sa karapatan Maikling kwento ni Gregorio V. Bituin Jr. Hulyo 1, 2020 "Alam nyo, naulit na naman pala ang nangy...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento