sintigas ng panga ng tigre ang kanilang mukha
na tingin lagi sa manggagawa't dukha'y kaybaba
na walang dignidad ang pagkatao, hampaslupa
na laging mabibiling mura ang lakas-paggawa
kinikita lang ang mahalaga sa mga ito
may laksa-laksang tubo at pag-aaring pribado
mawasak man ang kalikasan, may gintong matamo
animo'y mga bato ang puso sa kapwa tao
turing sa manggagawa'y di tao kundi makina
kontraktwal o regular ay gastos lang sa kumpanya
ganyan mag-isip ang negosyante't kapitalista
tanging tutubuin ang sa kanila'y mahalaga
tao pa rin ba ang ganyang mga uri ng tao
di mahalaga ang pagkatao kundi negosyo
ganyan umiiral ang lipunang kapitalismo
pera ang umiikot, nagsasalita sa iyo
pagpapakatao'y di uso sa sistemang bulok
naghahari ay pera lang hanggang doon sa tuktok
kinikilala'y ginto't salapi ng utak-bugok
kaya sa lipunang kapitalismo, masa'y lugmok
- gregbituinjr.
"A poet's autobiography is his poetry. Anything else is just a footnote." ~ Yevgeny Yentushenko
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Nang hinuli ang mga hubad
NANG HINULI ANG MGA HUBAD Kay Balagtas: Ang laki sa layaw, karaniwa'y hubad sa bait at muni, sa hatol ay salat. Ngayon: Dah...
-
ANG LIBRO thirty five pesos lang ang libro sa BookSale ko nabili ito bakasakali lang matuto sa taong binabanggit dito pamagat ng libro...
-
“Injustice anywhere is a threat to justice everywhere. We are caught in an inescapable network of mutuality, tied in a single garment of de...
-
ANG PANGATLO KONG RADYO bumili akong muli, pangatlong radyo na ito nasira na kasi ang naunang dalawang radyo una'y sa kasal sa huwes, re...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento