kanyang winisik-wisikan
yaong rosas ng kariktan
habang inaalagaan
ang sinasambang hayagan
tila adang minumutya
ang rosas na anong putla
kailan kaya huhupa
ang dumaluhong na baha
ang rosas sana'y pumula
tulad ng dugo ng sinta
at masilayan na niya
ang sinisintang dalaga
inibig ang mutyang rosas
tulad ng kakaning bigas
kapara animo'y pantas
tulad ng isang ilahas
rosas na tadtad ng tinik
na sa puso'y tumitirik
at sa diwa'y natititik:
"mutyang rosas itong hibik!"
- gregbituinjr.
"A poet's autobiography is his poetry. Anything else is just a footnote." ~ Yevgeny Yentushenko
Huwebes, Oktubre 31, 2019
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Ang aklat para sa akin
ANG AKLAT PARA SA AKIN pagbili ng libro'y nakahiligan sa bookstore o mga book festival man tungkol sa kasaysayan, pahayagan, tula, kwent...

-
Pagdaluhong sa karapatan Maikling kwento ni Gregorio V. Bituin Jr. Hulyo 1, 2020 "Alam nyo, naulit na naman pala ang nangy...
-
LIMANG ULAT NG NAGPATIWAKAL SA LOOB NG 18 ARAW Maikling sanaysay at tula ni Gregorio V. Bituin Jr. Sa pahayagang Bulgar na madalas kong bini...
-
WIKANG FILIPINO: WIKANG MAPAGPALAYA kayganda ng tema ngayong Buwan ng Wika Wikang Filipino: Wikang Mapagpalaya wikang gamit ng maralita'...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento